Sunday, October 5, 2008

The Boy Who Touched Heaven

Once there was an Ifugao boy who wanted to touch the sky. He wanted to know how the clouds felt like -- were they soft and fluffy like cotton? And the white moon amazed him. He wondered how it got its shape and why it hung from heaven.

May isang batang Ifugaw noon na ibig hipuin ang langit. Nais niyang masalat ang ulap -- malambot at kulot kaya iyon, gaya ng bulak? Nabighani siya sa maputing buwan. Inisip niya kung paano iyon nahubog at kung bakit iyon nakasabit sa kalawakan.


He would spend hours just lying down the grass and watching the clouds float by. He would stretch out his hand and pretend to catch them. But the sky was always too far away.

Inubos niya ang oras sa pagmamasid sa ulap habang nakahiga sa damuhan. Iniunat niya ang mga kamay, at nagkunwaring hinuhuli ang ulap. Ngunit parang sadyang napakalayo ng kalangitan.


The boy tried different tricks to reach heaven. He threw ropes to the stars. He went up the hills where he saw the sun rise, hoping to cling to the sun as it went up. Though none of these worked, the boy did not give up hope.

Sinubok ng bata ang iba't ibang paraan upang maabot ang langit. Hinagisan niya ng lubid ang mga bituin. Umakyat siya sa mga burol na nililitawan ng araw, at umasang makasasabit siya sa araw habang ito'y pumapanhik. Bigo man ang lahat ng iyon, hindi sumuko ang bata.


One day, he came upon a very high cliff. On the edge of the cliff were anahaw leaves and nito vines. "Aha!" he said. "Now I know how I can reach the sky."

Isang araw, nakarating siya sa isang matarik na bangin. Sa gilid nito ay may mga anahaw at nito. "Alam ko na!" wika ng bata. "Maaabot ko na ngayon ang langit!"


He gathered anahaw leaves and made two big wings with them. He then tied the wings to his arms with the vines, and put reins around the neck of his carabao.

Pinitas niya ang mga dahon ng anahaw, saka gumawa ng dalawang malaking pakpak. Itinali niya iyon sa kaniyang mga bisig gamit ang nito, at sinuotan ng singkaw ang leeg ng kalabaw.

When all was set, he slapped his carabao's side and made it run towards the edge of the cliff as he flapped his winged arms wildly. As his carabao neard the edge of the cliff, he flapped his arms faster, but alas! He still wouldn't fly. Worse, they were moving too fast to stop!

Nang handa na ang lahat, tinampal niya ang tagiliran ng kalabaw at pinatakbo ito tungo sa bangin habang ikinakampay ang pinakpakan niyang mga bisig. Nang malapit na ang kalabaw sa bangin, binilisan niya ang kampay. Ngunit ano mang gawin niya'y hindi pa rin siya lumilipad. Ang masaklap, patuloy ang pagtulin ng kalabaw!



Fortunately for them, at the very last moment, monkeys appeared and pulled them away from the edge. "Thank you for saving my life," the boy said. "I just wanted to fly," he said as he told them about his dream to touch the sky.

Mabuti na lamang para sa bata at kaniyang kalabaw, sa huling sandali ay may lumitaw na mga unggoy at hinatak sila palayo sa kapahamakan. "Salamat at iniligtas ninyo ako!" sambit ng bata. "Nais ko lamang lumipad," at inilahad niya ang pangarap na abutin ang langit.


"Then why don't we climb to the tallest tree?" the monkeys said. "Then we will climb on each others' shoulder until you are high enough to reach the sky." So the monkeys climbed up the tallest narra tree, and then climbed on top of each other. When they were ready, they called the boy to go up next. But the boy couldn't climb as well as the monkeys. He slipped, and fell, dragging all the monkeys down with him.

"Bakit hindi natin akyatin ang pinakamataas na puno?" mungkahi ng mga unggoy. "Tapos, sasampa kami sa balikat ng isa't isa hanggang kaya mo nang maabot ang kalangitan." Kaya umakyat sa pinakamatangkad na naga ang mga unggoy, at sumampa nang sumampa sa balikat ng bawat isa. Pagkaraan, tinawag nila ang bata na sunod nang umakyat. Ngunit hindi kasing sanay ng mga unggoy ang bata sa pag-akyat. Nadulas siya at nahulog, nahila pababa ang lahat ng unggoy sa kaniyang pagbagsak.



An eagle saw them and stopped by. "What were you trying to do?" he asked. "We were trying to reach the sky," the boy said. "I think I can help," the eagle said. "There is a village not too far where the people have built giant stairs to heaven."

Natanaw sila ng banog, at huminto. "Ano ang ginagawa ninyo?" usisa niya. "Tinangka naming abutin ang langit," sagot ng bata. "Baka makatulong ako," sabi ng banog. "May isang nayon malapit dito na ang mga tao'y gumawa ng higanteng hagdan tungong langit."


Following the eagle, the boy hurried off to see the giant stairs to heaven.

Mabilis na sinundan ng bata ang banog upang tingnan ang higanteng hagdang patungo sa kalangitan.


When he got there, he could hardly believe it. The eagle had led him back to his village. What he had been searching for had been there all along!

Nang makarating siya roon, hindi makapaniwala ang bata sa nasaksihan. Dinala siya ng banog pabalik sa kaniyang nayon. Naroon lamang pala sa malapit ang kaniyang hinahanap!

Long ago, his ancestors carved terraces on the side of the mountain so they could have fields upon which to plant rice. The boy had known these terraces his whole life, but now it seemed to him that he was seeing them for the first time.

Mahabang panahon na ang nakalipas, inukit ng kaniyang mga ninuno ang payyó upang magkaraoon sila ng palayan. Dati nang alam ng bata ang pay-yó, ngunit ngayo'y tila nakita niya iyon sa unang pagkakataon.


The sky was a clear blue. And as the wind blew, the ripe rice plants swayed and glittered like the sun, while the mist from the valley made clouds. From where he stood, the boy saw that the rice fields looked exactly like a stairway to heaven!

Bughaw at maaliwalas ang himpapawid. At nang umihip ang hangin, humapay ang mga palay at kuminang gaya ng araw, samantalang namumuo ang ulap sa lambak. Mula sa kaniyang kinatatayuan, natanaw ng bata ang mga palayang kahawig ng hagdang patungo sa kalangitan!


The sight filled him with happiness. It was then that he saw his father harvesting rice on one of terraces. He raced to his father who joyously took the boy in his arms and lifted him to the sky.

Napuno siya ng galak sa tanawin. At nasilayan niya ang kaniyang ama na umaani sa pay-yó. Tumakbo ang bata palapit sa ama, na magiliw siyang niyakap saka iniangat paulap.


sometimes, as people get older,
people tend to forget to appreciate the simple things in life.

that's what i miss when i was still younger.
now, at our age,

we forget to dream.

dream of even lil things.

we forget to appreciate.

appreciate lil things.

dreams come true. keep on dreaming y'all.

Later,
Bons

Mood: Loved!



Source: http://ink.group.ph/books/index.html

No comments: