Friday, August 28, 2009

How will you know kung isa kang DUKHA?

Kagabi brownout dito. Yung tipong magdamagan.

Nawalan kami ng ilaw ng alas-onse. Nagkaron kami ng alas sais.

Kung buntis ka at kabuwanan mo na, mejo requirement na may aircon ka para makatulog. Kahit itimer mo lang ng dalawang oras basta ang goal tulog ka na bago ito mamatay.

Pero kung walang kuryente, wala ng aircon wala din electricfan. Wala ka din choice kundi buksan ang bintana kahit ako ang favorite pulutan ng mga lamok.

HINDI AKO NAKATULOG.

Naglalakad lakad ako sa kwarto na parang praning. Pagsilip ko sa bintana, andun ang mga DIYOS.

Ang mga nakatira sa condominum sa Rockwell. HINDI SILA NAWAWALAN NG ILAW. Yun ang kasama sa perks nila nung bumili sila ng multimillion unit doon.

Mga sampung beses akong sumilip sa bintana at maraming beses kong sinabi na..

"BUKAS, LULUHOD ANG MGA TALA"

ay mali...

Ang sabi ko pala
"BALANG ARAW, MAGKAKARON AKO NG UNIT JAN."

Sa tuwing brownout samin, at nakikita ko ang liwanag na dulot ng UNITS sa rockwell, ang feeling ko pinapamukha sakin na..

ISA KANG DUKHA DUKHA DUKHA.....

Tanginang buhay to. Antok talaga ako. :|

Update: May brownout ulit mamaya. Tangina lang.

No comments: