Monday, August 31, 2009

Nung weekend...

Nalaman ko ang mga sumusunod:

1. Isa akong dukha kasi pag walang kuryente samin wala akong choice kundi papakin ako ng lamok.
2. Makikinis ang dancers ng Wowowee.
3. Nakakairita yung babaeng namimigay ng pera sa Wowowee (KONGRAKCHULEYSYONS!) sabi niya.
4. Ang payat ni Bea Alonzo. Hindi na siya mukhang BAKA.
5. Napanood ko ang Magnulia commercial nila Nanay Dionesia at natawa ako ng bonggang bongga
6. Nagsasalita magisa yung newly hired kasambahay namin. At mejo demanding siya sa cleaning materials.
7. Halos 7lbs na si Lily sa tyan ko.
8. Pinakamurang grocery ang Robinson's.
9. Umitim ang pwet ko dahil dun lahat napunta ang pigmentation dilemma ng katawan ko. Required to sa mga buntis.
10. Marami akong panty na wala ng garter
11. Gwapo si Zac Efron.
12. Maraming may birthday. Pero wala pang nanlilibre.
13. Mahirap mamaili ng electricfan sa appliance store.
14. Masarap yung Oreo chuchu donut ng Krispy Kreme.
15. Dapat bitayin si Mikey at Dato Arroyo.

No comments: